Tuesday, June 18, 2013

And yet another chef in town



Di pa ko dalawin ng antok, tila ang awitin ng the company ay gustong makisabay sa aking pagsusulat "...muntik na kitang minahal, ngayon ay aaaminin ko na..."



Naniniwala ka ba na may taong nakalaan para sa'yo? Ito lang ang tanging aking natandaan at tumanin sa aking isipan sa huli naming di inaasahang pag-uusap. Pero mas hindi ko makakalimutan ng isang umaga ay naghanda siya ng almusal. Ayun nakapagpost tuloy ako sa twitter isang buwan na ang nakakaraan.



Sino nga ba siya? Tinanong ko rin si God, pero ako na ang sumagot "padala mo na naman as usual. Sa dinami dami ng taong aking nakakasalamuha minsan talaga napapaisip ako na lahat sila may parte sa aking buhay. Pero pasalamat pa rin ako kase may mga nakasakit man tuloy pa rin God sa pagbibigay nga mga taong magbibigay ng sigla at saya.

Katulad kahapong umaga, may mensahe sa FB ko na humihingi ng panalangin para sa kanyang ina na isasalang sa eksamen sa ospital. Sa opisina ko na lang sinagot at aking inilathala sa FB ko. Napakaluwag sa pakiramdam na nakatulong ka sa iyong tunay na kaibigan na nagbigay halaga sa simpleng araw na iyon.



Mabalik tayo kay another chef in town. Ibig sabihin naulit na naman ang mga pangyayari? Tanong ko sa sarili ko at sinagot ko rin. Hindi siguro kase hindi ko na hinayaang humaba pa kase eksaktong ngayong petsa rin na eto hiniling ko na end of story. Ang tanong? syempre kakayanin!

Hikab, matutulog na ko #goodmornight (19.06.2013 3:19am GMT+3)



No comments: